Thursday, November 10, 2016

Huling Sulat

Gaano ka kakunteto?
Tanong na hanggang ngayo'y hindi masagot sagot
Masaya man ang bawat araw na lumilipas ngunit bakit sa iba ang paningin ay nababaling

Dati rati ikaw ang nakikita mulat o pikit man ang mga mata

Pinilit kong pumikit sa huling pagkakataon ngunit hindi ka na makita
Pinilit kong ibalik ngunit ang damdamin ay tila lipas na

Kinapa ko ang aking puso at ito ay tila bato na
Hahayaan na lang ba na ang pisi ay tuluyan ng mapatid

Sa ere kita ay iiwan, 
Masakit man ngunit alam ko ako'y iyong pasasalamatan sapagkat ikaw ay nailigtas sa mas mahabang kalungkutan

Hindi ko alam kung kailan nagumpisa
Hindi ko alam kung bakit nawala 
Hindi ko na mahanap
Hindi ko na maibabalik pa

Patawad kung ang puso ko ay hindi nakuntento at hanggang ngyon ay patuloy na naghahanap

Sa aking paglisan buksan ang puso sa iba
Sa aking paglisan huwag matakot magmahal uli
Sa aking paglisan ituloy ang takbo ng buhay 
Sapagkat 
Sa aking paglisan ako'y hindi na lilingon dala ang masasayang kwento ng kahapon

Paalam.

No comments:

Post a Comment

Receive All Free Updates Via Facebook.