Thursday, July 30, 2020

Inflatable island | Floating Playground In Subic‎

Woooah! Ang hirap magsulat lalo na kung matagal nakapag pahinga. Ilang taon na nga ba since the last time I wrote about travel? siguro mga dalawang taon na rin!

Super hayok na hayok na kaming magkakaibigan mag beach kaya naisipan naming magplan ng mini beach getaway. To be honest, ang dami naming pinagpilian na lugar pero itong Inflatable island yung nanalo HAHA
On this post, I will be sharing our Inflatable island a.k.a Floating Playground experience in Subic. 
I booked our ticket via Klook kasi mas mura at may kasamang lunch. I got it for PHP 1018.00 (Whole day pass) 
Day trip lang to kaya maaga kaming umalis ng manila.

We arrived in Subic around 6:30 AM, the resort will open at 8:00 AM kaya we decided to eat sa jolibee, hmm masarap naman siya joke hahah Jolibee is LOVE ❤

Di ako masyadong gutom kaya I ordered supermeal char ulit, Jolly hakdog lang.

8:00 AM I just showed the soft copy of our Klook voucher.
Side kwento: Dapat mas maaga pa kami kaso we made a wrong turn sa sctex kaya doble yung toll namin hahah

Anyway upon entry, hinarang muna kami ng guard para ma surrender namin yung mga water at food namin (siguro para mapilitan kaming bumili sa kanila, pero pwede ka naman bumalik balik sa guard para kumain at uminom kaso nga ang hassle) then pinadiretso nila kami agad sa orientation area. You can drink or eat your food naman kaso dun ka lang sa table ni kuya guard hehe
They also offered use of locker for PHP 150 pero hindi na kami nagrent

Ang free lang pala is yung mga beanbags na upuan 
pero since ang aarte namin, we rented the sunflower bed for PHP 500.00 which is good for 4 pax, mukhang pricey pero consumable naman for food and drinks kaya hindi na rin masama. 

After the orientation - FREE TIME!!
Medyo na expectation vs. reality kami but beach pa rin siya and we are beach bums kaya we didn't mind. Yung bundok at dagat is just perfect backdrop for photos HAHA (priorities). I think good girls kami kaya we're blessed with clean blue skies. 
PICTORIAL TIME, sobrang dami naming photos na kinuha like sebreng deme telege then nung napagod kami we decided na umidlip idlip muna

"Nading Lustre"


Huwag kayong magpwesto sa harap kasi lahat ng tindero ng ice cream eh hindi ka tatantanan ng alok, yung iba e babalik balikan kapa (uuyy buti pa yung tindero binalikan ka lol) 
Around 11:00 AM, I already asked the kitchen to prepare our lunch so we can eat at 12:00 NN.

Lumipat muna kami dun sa mga tables malapit sa mga tindahan to eat our lunch (I think only those who are renting the sunflower tables are allowed to use the area)
We all ordered grilled liempo, malaki ang serving tsaka masarap siya. 
After lunch, siesta time!! hahah Buhay baboy lang eh no? This time we decided to sleep dun sa mga bean bags para maiba naman. 
3:00 PM We woke up and decided to swim tapos we tried some of the activities.
There were lifeguards that helped us navigate the inflatable playground. They even helped us throughout the course tapos may moral support pa kapag hesitant kami.

5:00 PM We had our meryenda, we ordered fries and nachos and real talk lang, masarap yung pagkain nila. Medyo pricey pero I think hindi na siya masama kasi okay yung lasa.

6:00 PM Ligpit na gamit kasi we need to head home

Overall experience, disappointing kasi it looks different sa pictures. I mean luma na siya tapos hindi lahat ng balloon naka inflate, or baka dahil weekday kami nagpunta at konti lang tao? I am not sure pero ang masasabi ko lang talaga is na expectation vs. reality kami lol.

Babalik ba ako? absolutely! kasi to be fair naman eh I enjoyed yung play. Madami kaming hindi try kasi nga takot kami pero hopefully sa susunod na balik namin mas malakas na loob ko HAHAHA 
Other photos:
Tips:
1. Go there on during weekdays para masulit niyo yung place
2. Book your tickets sa klook (yung with lunch na)
3. Bring cash kasi bawal outside food pati tubig sa loob and also yung photos from the activities e medyo mahal

No comments:

Post a Comment

Receive All Free Updates Via Facebook.