I know super late na nitong post na to kasi buntis pa ako during this trip and now 8 months na yung aking munting prinsesa. AYYY! hindi 9 months na pala kasi akala ko matatapos ko tong blog post na to bago ako mag 9 months post partum pero tignan mo naman inabot nanaman ako ng katamaran ko. Salamat at sinapian ako ng sipag kaya nakapag sulat uli ako. Anyway bago pa ako lipasan ng sipag I will proceed na.
March 23, 2018
Galing kami sa Silang Cavite and arrived to Brgy. Wawa around 10:00 AM.
Pag pasok palang namin sa area halos harangin na kami ng mga tao trying to offer us their boat going to Fortune island.
We are group of 11 at natawaran namin ng PHP 4200 yung boat (not sure if napamura ba kami or napamahal kasi I did not prepare during our trip. Go with the flow lang ako)
By the way, hi-way ito pala yung rate nila on the island:
PHP 300 Day trip
PHP 400 Overnight
We paid for 10 pax only (Oha! discounted yung isa LOL)
Parking fee:PHP 100 Day trip
PHP 200 Dvernight
I think safe naman yung parking nila kasi pag balik namin complete pa naman yung mga gamit HAHA
Fortune island is a private property kaya kailangan talagang mabayad ng fees.
At first medyo hesitant yung boatman kasi I was pregnant that time. Parang takot sila na isakay ako pero sabi ko never fear, I am here charot. Nagexplain ako na I am still fit to travel and by 10:30 AM nasa boat na kami.
Malakas yung alon kahit maaraw pero buti nalang malaking boat yung nakuha namin. I think kasya ang 15-20 passengers dun.
Hanapin niyo nalang kung asan ako diyan HAHA
11:30 AM Arrived at Fortune Island.
Medyo pinahirapan bumaba kasi hindi makalapit yung boat sa beach dahil sa lakas nang hampas ng alon. Kala ko nga uwian na eh.
Ang ginawa ng boatman namin is sinakay kami sa isang mini box na pinahiram ng isang banka then itutulak nung guide para makalapit kami sa isla.
Preparing for transport CHAROT HAAHAH
Huwag po kayong malito - hindi isla yung ilong ko
Then pag baba namin need pa umakyat para mapuntahan namin yung very famous pillars na dinadayo sa island na to.
Daliri ko po yan, hindi ilong
So iyon na nga po start na ng photoshoot at nag relaks relaks sa sand.
Photos from my cous Jaymee
At around 2:00 PM Pack up na kasi gutom na at wala namang masyadong nakikita e.
I liked the pillars pero medyo disappointed ako kasi nga hindi ko naenjoy yung beach. Gusto ko rin sana mag snorkel pero hindi ko nagawa kasi kinakabahan yung mga tanders dahil nga buntis ako. Ang dumi rin nung island parang yagit, siguro wala lang kami sa timing and kahit ganun yung experience I will still go back. Yes, I am giving the place a chance.
Boatmen offered us a side trip to white sand beach kasi nga ramdam nila na disappointed kami. They just asked for PHP 500 for the gas. Hindi siya ganun kaganda at hindi rin siya white sand (at parang malansa yung amoy ng tubig) pero okay na rin para kumain.
Our lunch? 3 pieces squid and 1 whole tuna for PHP 1000 then we paid for the cottage na tumataginting na PHP 500 but wait! there's more, shocked kami na may bayad pang PHP 100 per head pero sabi namin sa boat nalang kami kakain kaya ayun pumayag na PHP 500 nalang ibayad namin. Grabe no? hold up tong trip na to! HAHA
Tara kain!
Tips:
Mas mura if diretso boatman na kausapin niyo kasi yung mali namin is meron kaming middle man.
Huwag kayong papa budol sa mga nagaalok agad diretso kayo sa Fortune Island hotel at dun nalang kayo mag inquire about the trip.
Pasensiya na at hindi ganun ka informative tong blog ko. I just want to share our trip and I hope huwag kayong madiscourage na bisitahin yung place. You should see it yourself kasi iba iba naman tayo ng pananaw sa buhay. blah blah blah.
Okay. Salamat sa pagbabasa.
Nagmamahal,
Ate Charotera! LOL
Lovezzzz yah guise!
PS: Huwag niyo po palang kalimutan mag subscribe sa aking youtube channel!
Mwah mwah tsup tsup! :*