February 16, 2018 Kung Hei Fat Choy
10:00 AM Went to McDonald's to eat breakfast
Medyo nagmamadali na kami kasi we need to be at Central by 10:45 AM to meet our tour guide for briefing.
After breakfast nag drop by kami ulit sa Kowloon park while waiting for the others since nagdecide sila to eat somewhere else.
Sumakay kami ng train from Tsim Shai Tsui going to Central.
11:00 AM We met with Klook guide near exit K of central terminal. Medyo praning nanaman kasi akala ko naiwan na kmi hahaha. Upon arrival we presented our voucher and distributed our 2-way ticket to tram and the chocolate museum. Hinati nila yung group into two (English and chinese speakers) para mas madali ang pagbigay ng instructions.
I highly recommend to buy your tickets beforehand from Klook if mag DIY trip ka.
I booked the 4 in 1(2 way tram, Sky Terrace entrance, Madame Tussauds, Chocolate Museum) attraction sa Klook, not sure if worth it na ivisit yun 4 pero since andun na lahat why not explore all.
Sobrang daming tao - not sure if this is usual o baka dahil lang sa CNY holiday.
From the terminal naglakad pa kami ngilang minuto bago namin narating yung The Peak.
Tram arrives every 8 minutes kaya if hindi kasya you can still catch the next one.
Upon arrival at the peak ni-ditribute naman yung ticket to Madame Tussauds then bahala na kami sa buhay namin LOL.
May mga restaurants sa taas kaya kumain uli kami ng breakfast 2.0 HAHA.
Una naming pinuntahan is yung Sky Terrace 428, nag picture lang then decided na bumaba na.
You can also buy pasalubongs sa Peak Market
Super sale Crocs kaya naka bili pa kami.
We also had fun at the 3D gallery (free except dun sa patibong na photographers - you'll be asked to strike a post then claim your photo after syempre may bayad na).
Explored the Madame Tussauds. AMAZING! yung mga wax figures, parang totoo.
Super haba ng pila sa CR ng babae kaya sa mga kaibigan kong babae na single alam nyo na nag kakaubusan na HAHA.
Rest sa pacific coffee kasi ang sakit na ng mga paa namin.
Last stop is Chocolate Museum, I think you can skip this na kasi all you'll see it different artworks made from chocolate. Medyo pinagsisihan ko lang na hindi ko binili yung isang Bear shaped na chocolate huhu. At the end of the tour meron silang free tast. I liked the milk chocolate.
5:00 PM End of tour
Pila uli pauwi , medyo mahaba yung pila sa tram kaya my time pa kumain uli.
Sobrang naging favorite ko yung egg waffle nila.
7:30 Tsim Shai Tsui.
Nagikot ikot sa malls kaso maaga sila nag sara kaya konti lang napuntahan namin.
Hindi na kmi nakapanuod ng parade kasi sobrang daming tao. Nag worry rin si boyfie baka mapipi kami ni baby shark or makasagap ako ng sakit from other people.
Sarado rin yung major roads for the parade kaya hindi na kami ng explore pa.
8:30 PM Ate dinner at relax for a while, yup yan talaga name ng restaurant nila. Malapit sya sa Emack and Bolios.
Hindi na kmi nag isip ng presyo dahil sa pagod pumasok nalang kami at nag order.
After dinner dropped by sa Emack and Bolios to try their famous ice cream.
HUHU ang sarap niya. Huling huli yung gusto kong flavor ng chocolate ice cream.
Bago umuwi naghanap rin pala kami ng street food kaso konti lang nakita namin na bukas.
Head home. Pagod na si buntis ehehhe parang gusto ko na putulin paa ko pauwi. Sinuot ko na nga yung Crocs ni BF kasi magang maga na yung paa ko HAHA.
9:30 Hotel
Pack stuff since last day na the following day then rest na
Related links:
No comments:
Post a Comment