Finally! nagkaroon rin ng time to finish this blog post. Having kids is not a joke, nakakaubos ng pasensya at energy pero at the same time rewarding. Araw-araw laging may natututunan na bago. Anyway, on this blog, I will be sharing our Baby number 2 journey in the midst of COVID-19 pandemic.
Finding out:
Irregular period ako kaya kahit madelay ay hindi ako masyadong nabobother until nakaranas ako ng pagduduwal ng ilang araw tsaka madalas akong irritable at laging nasusungitan yung kapatid ko. Akala ko hormonal lang or PMS pero at the same time kinukutuban na ako kaya naisipan ko na rin na mag pregnancy test then boom! Positive with flying colors.
Having a baby during pandemic was not on our plan but sometimes blessings come when you least expect it kaya postponed muna ang ibang life goals for now and focus on raising this new angel.
The journey
Totoo nga yung sinasabi nila, no pregnancy is the same. Kung chill lang ako sa panganay ko, ito namang second baby ko eh sobrang lala ng morning sickness ko.
Aside sa pregnacy symptoms, I also had to deal with my super clingy toddler kasi she's still breastfeeding and no signs of weaning pa. Ang hirap rin mag wean lalo na naka work from home kami so lagi siya naka dikit sakin.
We were praying for a boy and hindi kami binigo, we'll be having a boy. Nakaka excite na nakakakaba sa totoo lang.
Since I am getting another C-section my OB asked me if I have a preferred date. Initially, July 4 yung target date namin pero baka mauna ako mag labor so we moved it earlier which is June 24th kaso ginahol naman kami sa oras (dahil need pa mag pa ultrasound uli at RT-PCR test) kaya we chose June 25,2021.
Here's the breakdown of what happened 2 days before giving birth (Ni break down ko lang yung mga ganap).
June 23, 2021 - 8:00 AM Swab day. Luckily, covered ni Philhealth yung procedure kaya hindi ko na need mag shell out for it.
June 24, 2021 - 9:00 am The test came out NEGATIVE (Thank GOD! Nakakapraning kahit alam ko naman na less chance na maging Positive pero iba pa rin yung feeling).
D DAY!
June 25, 2021 - 6:00 AM I called the hospital to ask for an available room. Punuan yung hospital dito sa Quezon province kaya we were advised na on the day itself na lang tumawag to check for room availability. Nung tumawag ako sakto meron daw mag didischage ng 7:00 AM.
8:00 AM Arrived at hospital, diretso ako ER for triaging, checking of vitals signs and interview then after that we were escorted to our room.
12:00 NN I was advised that I am scheduled for CS at 3:00 PM
Sobrang gutom since last meal ko was 11pm the other day.
Past 4:00 PM When the operation started.
Hello Baby!
4:40 PM Baby out
He was crying tapos biglang tumigil nung nilapit sa mukha ko siguro naamoy niya scent ko.
I am fully awake the whole operation pero may times rin na nag zozone out ako.
My times na rinig na rinig ko heart beat ko at pakiramdam ko sasabog sa lakas ng tibok.
I was chilling and feeling nauseous as well.
Nagstay muna ako ng sandali sa recovery room until makita nila na nagagalaw ko na ng kaunti yung toes ko then tsaka ako hinatid sa room (hindi ko na alam if anong oras yun) kasi borlogs nako nun e hehehe
Hindi pa namin nakasama agad si baby dahil nirefer pa siya sa EENT dahil nakitaan siya ng tongue tie.
Next day June 26, 2021
Na room in na finally si Kai, nakapag pa dede na rin ako sa kanya.
I started on a soft diet muna since hindi pa ako nakakadumi. Ang hirap kumilos kasi masakit yung tahi tapos need ko pa buhatin si baby dahil breastfeeding kami.
10:00 PM Catheter out at medyo feverish, dala na rin siguro ng pagod?
June 27, 2021
Still no bowel movement tapos puyat. Halos pagising gising ako kasi si Kai ayaw dumede ng nakahiga kami kaya nakaupo ako magpadede.
Nagkaroon rin sya ng early signs ng paninilaw kaya binigyan kami ng blue light crib para dun siya mag stay most of the time.
June 28, 2021
Still no bowel movement pa rin, na trauma ata yung katawan ko from my previous experience.
Kasi sobrang constipated ako sa panganay ko after ko ma CS. Kahit laklakin ko yung tubig tsaka papaya, pinya at kung ano pang high fiber fruits walang effect. Kasumpa sumpa yung experience. HAHA
After lunch, they decided na lagyan ako ng suppository kasi wala pa rin akong urge eh and able to poop sorry TMI haha.
First night was a disaster my toddler won't give up breastfeeding so I had to sleep on separate room kasi gusto niya agawan yung bago.
To end this post, everyone is still adjusting